Heto ang mga famous lines ni Mama everytime na may mali ako.
10. “Aba! Sumasagot ka na!”
09. “Para kang may katulong! Linisin mo yan.”
08. “Kung ano anong pinaggagawa mo. Tandaan mo papunta ka pa lang pabalik na ako.”
07. “Tumigil ka jan. Ibabato ko na tong hawak ko sayo.”
06. “Habang bata pa kayo matuto na kayong tumayo sa sarili nyong paa. Pano na lang kayo pag nawala ako. Kawawa kayo.”
05. “Ipasok mo yan sa kokote mo.”
04. “Inis na ako talaga sayo. Nagmana ka talaga sa tatay mo.”
03. “Magaral ka ng mabuti wag yang pakikipagboyfriend ang inaatupag mo.”
02. “Kung umasta ka para kang pensyonada huh.”
and my favorite line everytime na humihingi ako ng pera….
01. “Anong akala mo sa akin nagtatae ng pera?”
Kahit nasasabi man ito ni Mama at the end of the day marerealize ko din na para sakin yang mga lines na yan. Love na love ka ng Mama mo if ever nakakarinig ka ng ganyan. For sure marami nakarelate neto. ^__^
“A human body can bear only 45 del (unit) of pain. But at the time of giving birth , a mother feels up to 57 del of pain. This is similar to 20 bones getting fractured, all at the same time.” -Anon
This is just to tell you the extent to which a mother loves her child. Love your Mom and treat her like a Queen til the end of your life. The lady with whom you argue almost everyday, suffered so much pain just to give you a beautiful life.
Happy Mothers Day to my “Only Girl of My World” and to your loving Mom also.