“May mga bagay bagay talaga sa mundo na kahit nasa sa iyo na ng mahabang panahon kung hindi mo talaga pagmamay-ari, kailangan mong pakawalan para hanapin ang tunay na nagmamay-ari nito”.

Umiyak na ako ng mas malakas pa sa buhos ng ulan. Nabuhos ko na lahat ng luha ko ng mas mabigat pa sa bumabagyong panahon kamakailan. Nasabi ko na lahat ng hinanakit ko na mas maingay pa sa patak ng ulan. At kahit nagawa ko ng ito, uuwi pa rin ako sa bahay ng wala ng babalikan.
Marahil kailanga nating tanggapin na may mga bagay bagay na pansamantala lamang - na wala na ung dating sa tuwing matutulog tayo may magsasabing “sana makasama pa rin kita kahit sa panaginip”….At kailangang sanayin ang mga sarili natin na wala na yung mga taong minsan nagbigay ng magandang karanasan sa ‘ting mundo.
Walang bagay sa mundo na permanente kundi pagbabago, may mga bagay man aalis pero ang maganda dun merong darating at darating. Kailangan lang yan ng oras para maghilom lahat ng galos at sugat para sa oras na meron ng dumating hindi man ito tulad ng dati at least buo pa rin at tunay.
Forgive me for being bitter these past few days. I just don’t like all the things that are happening with me and my ex boyfriend. We tried all the means to fix it but still all the efforts are useless.




